Suspendido sa December 3 hanggang 4 ang operasyon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1).
Ito ay para bigyang-daan ang paghahanda para sa muling pagbubukas ng Roosevelt station sa Quezon City.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation, walang biyahe ng tren sa nabanggit na petsa.
Noong September 5 taong 2020 isinara ang Roosevelt station, na petsa ng pagsisimula ng konstruksyon sa North Triangle Common Station.
Tinatayang nasa 5,000 hanggang 7,000 na pasahero ng nasabing istasyon ang naapektuhan ng pagsasara.