Pansamantalang natigil ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 pasado alas-10 kaninang umaga.
Batay sa Twitter post ng pamunuan ng LRT-2, nakaranas ng problema sa suplay ng kuryente ang train system.
Samantala, agad din itong nagabalik sa normal na operasyon matapos ang halos 30 minuto.
Ang LRT-2 ay kasalukuyang bumibiyahe mula Recto hanggang Cubao station matapos masunog ang power transformer nito sa pagitan ng katipunan at anonas station noong nakaraang taon.
LRT-2 operations is temporarily suspended due to power failure.
— LRT2 (@OfficialLRTA) August 30, 2020