Balik-operasyon na ang LRT-line 2 mula Antipolo hanggang Recto stations, ngayong araw.
Ito’y makaraang pumalya ang catenary wires ng Line 2 sa pagitan ng Pureza at Legarda stations, kahapon kaya’t naging limitado ang biyahe mula antipolo hanggang V. Mapa stations vice versa.
Ayon sa LRT-Administration, simula ala-5 kaninang madaling araw nang magbalik na sa normal ang operasyon.
Ang catenary wires ang nagsisilbing supply ng kuryente ng LRT-2 at nagpapatakbo sa mga tren.
Humingi naman ng paumanhin ang LRTA sa mga suki ng Line 2, lalo sa mga naabalang pasahero.