Magsisimula na ang operasyon ng LRT-Line 2 Antipolo Station sa Antipolo, Rizal sa Miyerkules, June 23.
Batay sa post sa social media ni Mayor Andeng Ynares, bukas, June 22, nakatakdang pasinayaan ang nasabing bagong istasyon.
Ang dalawang bagong istasyon ay nasa Marikina sa Barangay San Roque malapit sa Gil Fernando Avenue at ang Antipolo Station na nasa Barangay Mayamot, malapit sa isang mall sa Masinag at Sumulong intersection.
Inaasahang mapapabilis nito ang byahe mula Maynila papuntang Marikina at Antipolo.