Tiniyak ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority na tuloy ang operasyon ng kanilang mga tren sa panahon ng Asia Pacific Economic summit.
Ang pahayag ay ginawa ni LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, sa harap na rin ng mga katanungan patungkol sa kanilang mga byahe dahil ilang lansangan ang isasara dahil sa summit.
Siniguro ni Cabrera na normal ang operasyon ng LRT lines 1 at 2 upang mapagsilbihan ang mga pasaherong may pasok pa rin sa kani-kanilang tanggapan kahit holiday.
Ang LRT ang mass transport na dadaan sa mga lugar na malapit sa pagdarausan ng APEC.
By: Meann Tanbio