Nabunyag na nagpapatuloy ang operasyon ng malalaking drug syndicates sa building 14 ng New Bilibid Prisons.
Sa pagdinig ng Senado, isinalaysay ni VACC Chairman Arsenio Evangelista kung paano ginastusan ng convict na si Raymond Dominguez ang reconstruction surgery ng kanyang girlfriend na umaabot sa 30 milyong piso.
Si Dominguez ay sentensyado dahil sa pagpatay at pagsunog pa sa anak ni Evangelista.
Kinailangan anya ng reconstructive surgery ng girlfriend ni Dominguez dahil nabaril ito sa may New Bilibid Prison.
“Nabaril dito ang girlfriend, luckily, nabuhay siya. So after, she has to go and spend like 30 million going to Korea, a very expensive hospital to reconstruct yung surgery, ibalik sa dati. May mga photos din na nag ano sa akin because of the Facebook. So ano ba ang ibig sabihin nito? Somebody who is committed sa Building 14 can provide a medical attention all the way to Korea.”
Sinabi ni Evangelista na malabo talagang manalo ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil 80 porsyento ng mga transaksyon sa droga ay galing mismo sa Bilibid.
“According to PDEA director, yung mga ganyang klaseng cellphone, maipasok ko lang ito, is about 2 million to 2.5. Yung mga 2g to 3g, is about 500 to 700,000 at naguusap kami nila Aaron Aquino at ang tanong ko, “eh kung ganun ay bakit walang action? Eh ang sabi nila, yung PDEA, yung office daw doon way back, biglang tinanggal. I think the war on drugs of the president will fail at the end of the day simply because sinasabi natin na lahat ng intelligence community dito, 80% of the illegal drugs is emanating inside the Bilibid Prison.” — Pahayag ni VACC Chairman Arsenio Evangelista.