Suspendido ang operasyon ng tanggapan ng city administrator ng Mandaue City hall matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga empleyado nito.
Ayon kay Mandaue City Administrator Atty. Jamaal James calipayan, nitong linggo lamang nang mabatid na positibo sa COVID-19 ang nabanggit na empleyado.
Aniya, asymptomatic ito at kasalukuyan nang inilipat sa Mandaue City central isolation center.
Sinabi ni Calipayan, agad nagsagawa ng decontamination procedure sa tanggapan at isinailalim na sa home quarantine ang lahat ng mga nakasalamuha ng nagpositibong empleyado.
Samantala, magtatalaga naman ng pansamantalang officer in charge at skeleton receiving section ang opisina ng city administrator ng Mandaue City.