Fully operational ang lahat ng miyembro ng Bankers Association of the Philippines o BAP kahit pa idineklarang National Day of Protest, ngayong araw, Setyembre a-21.
Ayon sa BAP, normal pa rin ang operasyon ng mga bangko kahit pa walang pasok ang mga tanggapan ng gobyerno.
Magugunitang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan at mga tanggapan ng pamahalaan, bilang paghahanda sa sinasabing malawakang kilos protesta ng mga kontra-gobyerno at paggunita sa 45th anniversary ng deklarasyon ng Martial Law.
—-