Nagpapatuloy parin ang operasyon ng mga barko sa Nortport Terminal sa Maynila na patungong iloilo sa kabila ng pagpasok ng Bagyong Odette sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ilang sa mga pasaherong babiyahe ay mula pa sa Central Luzon partikular na sa Metro Manila.
Ayon sa ilang mga pasahero, minamadali na nilang maka-uwi sa kanilang probinsya upang doon magdiwang ng kapaskohan.
Sa ngayon, wala pang abiso ng suspensiyon sa biyahe ng mga barko pero tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagmomonitor sa sitwasyon sa Visayas at Mindanao.
Sa ngayon, hinihintay nalang nila ang impormasyong magmumula sa PAGASA.—sa panulat ni Angelica Doctolero