Dapat payagan ng bansa ang mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na magpatuloy sa kanilang operasyon.
Ito ang naging pahayag at reaksyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla hinggil sa usaping pagbabawal sa mga POGO sa Pilipinas.
Aniya, hindi siya tutol sa panawagang ipatigil ang kanilang operasyon ngunit maaaring makaapekto ito nang lubos sa ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim, kailangang pag-isipang mabuti ang pag-phase out sa mga ito sa paraang maliit lang ang magiging pinsala sa ekonomiya ng bansa.
Samantala, sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng China sa pamamagitan ng embahada nito sa maynila para maging maayos ang pagpapatapon ng mga overstaying Chinese Nationals sa Pilipinas. - sa panunulat ni Hannah Oledan