Walang naging epekto o malaking pinsala sa power infrastructure ng bansa ang bagyong Maring at Lannie.
Ayon sa Department of Energy, normal ang operasyon ng mga power generation plant sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Maring.
Kahit nagkaroon ng power outages ang mahigit 600,000 customer ng MERALCO sa franchise area nito, agad naibalik ang power supply gaya sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Wala ring naitalang pinsala sa mga major distribution line ng First Laguna Electric Cooperative kahit pa kabilang ang CALABARZON sa mga hinagupit ng bagyong Maring.
SMW: RPE