Dalawang linggo munang suspendido ang operasyon ng mga resort sa Samal Island sa Davao Del Norte dahil sa COVID-19.
Ang suspensyon ayon sa lokal na pamahalaan ng Samal Island ay mula June 1 hanggang 14 matapos sumirit ang kaso ng COVID-19 sa lungsod at mga karatig lugar.
Tiniyak naman ng local government na mabibigyan ng ayuda ang mga apektadong manggagawa ng mga resort na dinadagsa ng mga turista para magbakasyon at kung saan nagsasagawa rin ng mass gathering ang mga ito.
Naitala sa 651 ang active COVID-19 cases sa lalawigan.