Patuloy pa rin umano ang operasyon ng mga sindikato sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Senior Supt. Glen Dumlao, hepe ng PNP-AKG o Anti-Kidnapping Group, kabilang sa mga sindikatong ito ang dumukot sa isang negosyanteng Chinese noong Hunyo 24.
Sinabi ni Dumlao na ikinasa ng grupo ni Tyrone Resureccion Dela Cruz ang pagdukot kay Huang Bo Yu sa loob mismo ng NBP.
Si Dela Cruz ay isang kidnapping convict na nasentensyhang mabilanggo ng habambuhay at itinuturong utak sa pagdukot kay Yu.
Ipinabatid ni Dumlao na malaya pa rin ang iba pang kasabwat ni Dela Cruz kabilang ang isang pulis na nahaharap sa mga kaso ng drug trafficking subalit nakapag piyansa ng walong daang libong piso (P800,000)
Nagawa pa aniyang makipag negosasyon ni Dela Cruz para sa ransom ni Yu bagamat nasa Bilibid ito subalit nakapagpupuslit ng cellphone na nakumpiska na rin ng mga awtoridad.