Naibalik na sa normal ang operasyon ng mga telecommunication company sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Usman.
Ayon kay Information and Communcations Acting Secretary Eliseo Rio Jr, wala namang naitalang pinsala sa telecommunication infrastructure maliban sa nagkaroon ng ilang disruption sa serbisyo dahil sa kakulangan ng kuryente.
Kasabay anya ng pagbabalik operasyon ng mga power line ay ang pagbabalik serbisyo ng mga cell site sa Bicol, Eastern Visayas at Mimaropa.
Kabilang sa mga naapektuhan ng kalamidad ang free wi-fi hotspots partikular ang 19 na access points dahil sa kakulangan ng power supply.