Pinag-aaralan ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na palawigin ang operasyon ng mga tren sa holiday season.
Ito ayon kay MRT 3 Director Michael Capati ay dahil tumataas ang bilang ng mga pasahero kapag holiday season o mula Nobyembre hanggang Disyembre.
Kailangan aniyang ikunsidera ang gagawin nilang pagpapalit ng riles ng MRT 3 na sisimulan sa Nobyembre mula alas onse ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw o mga oras na walang biyahe ang tren.