Ipinatitigil na ng Maritime Industry Authority (Marina) ang operasyon ng wooden vessels.
Kasunod na rin ito nang paglubog ng MB Kim Nirvana na ikinasawi ng 62 katao.
Ayon kay Marina Administrator Maximo Mejia, magpapatupad muna sila ng grounding habang isinasagawa ang review sa memorandum na nagbabawal sa operasyon ng wooden hull vessel.
Nakasaad sa circular na mula 2003 hanggang 2010 pa dapat na phase out ang wooden hull vessel.
By Judith Larino