Sinisikap na ngayon ng administrasyon na isapribado na ang mga mining asset ng gobyerno at masimulan muli ang operasyon upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department Of Finance, tina-trabaho na ngayon ng gobyerno ang pagsasapribado ng 5 mining assets na nasa Visayas at Mindanao.
Bumubuo na sila umano ng inter-agency team na tututok sa proseso ng pagsasapribado ng naturang mining assets.
Ang naturang team ay bubuuin ng Privatization and Management Office, Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau at Office of the Solicitor General.