Mahabang pila ang sumalubong sa mga mananakay ng MRT-3 sa kalagitnaan ng rush hour, kahapon.
Bunsod ito ng naranasang technical glitch sa signaling system sa track circuit malapit sa Taft Avenue Station, sa Pasay City, pasado alas-4 ng hapon.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagpatupad ng provisional service sa pagitan ng North Avenue Station at Shaw Boulevard Station.
Dakong ala-7 naman kagabi ay balik na sa full operations ang biyahe mula North Avenue Station at Taft Avenue Station.