Balik operasyon na ang MRT-3 bukas, Hulyo 13 pero limitado ang kapasidad nito.
Ito ang inihayag ng management ilang araw matapos magpositibo sa COVID-19 ang halos tatlong daan nitong personnel.
Ayon pa sa pamunuan ng MRT, mayroon na itong sapat na bilang ng mga empleyado na “virus free” at kaya nitong ikasa ang partial operations sa susunod na linggo.