Suspendido muna ang operasyon ng MRT-3 sa Miyerkules Santo, April 13 hanggang linggo ng pagkabuhay, April 17.
Kasunod na rin ito nang itinakdang maintenance shutdown ng MRT-3 tuwing Semana Santa.
Samantala, tuluy-tuloy ang libreng sakay ng MRT-3 kung saan naitala nuong Biyernes ang pinakamaraming bilang ng mga pasahero na nasa mahigit tatlong daang libo.
Muling ipinaalala ng pamunuan ng MRT-3 ang safety protocols para sa kaligtasan ng lahat kontra COVID-19.