Tuluyan nang sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang biyahe ng pangunahing mass transits sa Metro Manila.
Partikular na rito ayon sa DOTr ang Metro Rail Transit (MRT) line 3, light Rail Transit (LRT) lines 1 at 2 gayundin ang Philippine National Railways (PNR).
Ayon kay DOTr Spokesperson Asec. Goddess Hope Libiran, ito’y bilang pag-iingat na rin ng mga nangangasiwa sa mga nabanggit na mass transit kasunod ng matinding pinsalang idudulot ng super bagyong rolly sa Metro Manila na nasa ilalim ng signal number 4.
Gayunman, sinabi ni Libiran na tuloy pa rin ang operasyon ng EDSA bus way para sa mga pasahero na hindi na maseserbisyuhan ng LRT line 1 at MRT line 3.
ANUNSYO PUBLIKO
Sususpendihin ng pamunuan ng MRT-3 ang operasyon ng mga tren nito ngayong araw, ika-1 ng Nobyembre 2020, bilang pag-iingat sa pagpasok ng Bagyong Rolly sa bansa. Itinaas na rin sa Signal #4 ang buong Metro Manila pic.twitter.com/YgTWNcDGur
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) November 1, 2020