Mag-i-isang buwan ng walang palya ang operasyon ng Metro Rail Transit Line-3.
Ito, ayon sa Department of Transportation, ang pinaka-matagal na panahong naging maayos ang biyahe ng MRT simula noong 2011.
Labinlimang tren ang bumiyahe mula sa labinlimang operational train na may pito’t kalahating minutong interval arrival time at wala ring naitalang aberya hanggang kagabi.
Dahil dito, umikli na rin ang pila ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT.