Kasabay ng muling pag-arangkada ng imbestigasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ukol sa iba’t ibang problema ng MRT ngayong araw, nagkaaberya na naman ang biyahe ng MRT.
Ayon sa ulat, nagsimulang tumigil sa pagpapasok ng mga pasahero sa southbound station ng Quezon Avenue station dakong alas -7:30 kaninang umaga dahil sa depektibong tren sa North Avenue station.
Bumalik lamang sa normal ang sitwasyon makalipas ang isat kalahating oras.
Kinumpirma naman ng Traffic Command Center ng MRT ang insidente at kinailangan umanong ibalik sa depot ang depektibong tren kaya’t natagalan bago naisaayos ang operasyon ng MRT.
By Ralph Obina