Maagang nagkaaberya ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT-Line 3 kaninang umaga.
Ayon kay Department of Transportation o DOTr Undersecretary Cesar Chavez, alas-6:16 nang nilimitahan ang biyahe mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station at pabalik lamang.
Paliwanag ni Chavez, ang aberya ay dulot ng isang diaper na nakasabit sa kable ng kuryente ng MRT sa pagitan ng Buendia at Ayala station.
Dakong alas-7:34 nang magbalik na sa normal ang operasyon ng MRT Line 3.
Samantala, alas-8:16 ng umaga nang pababain naman ang mga pasahero ng isang tren na southbound sa Shaw Boulevard station dahil sa problema sa pinto ng isang bagon nito.
IN PHOTOS: Diaper na nakasabit sa kawad ng kuryente ng MRT na naging sanhi ng limitadong operasyon kaninang umaga | via DOTr pic.twitter.com/nHClUGANaj
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 23, 2017
(Ratsada Balita Interview)