Magpapatuloy ngayong linggo ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga Pilipinong nagbabalik bansa.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, 40 flights ang parating sa araw na ito, dalawa ang passenger flights ng PAL at British Airways samantalang pawang cargo flights ang iba pa.
Tuwing Lunes at Huwebes anya pinapayagan ang chartered flights samantalang bukas sa commercial flights ang iba pang araw ng linggo bastat hindi lalampas sa 400 pasahero ang maximum kada araw.
Nakalaan anya ang terminal 2 para sa chartered operations samantalang ang terminal one ay kumbinasyon ng charter at commercial flights.