Pinalawak pa ng Department of Transportation o DOTr ang operasyon ng kanilang point to point o P2P buses.
Ayon sa DOTr, maliban sa Metro Manila, bumibiyahe na rin ang kanilang mga P2P buses sa buong General Metropolitan Manila na kinabibilangan Cavite, Laguna , Antipolo at iba pang mga karatig probinsya.
Ipinagmalaki ng DOTr na mula sa dating dalawa, nasa labimpito (17) na ngayon ang operational routes ng P2P.
Inaasahang madaragdagan pa ito sa hinaharap para sa layunin ng pamahalaan na bigyan ng mas mabilis at mas matiwasay na biyahe mga pasaherong Pilipino.
—-