Good news para sa mga sumasakay sa point-to-point (P2P) express bus service na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA.
Pinalawig na ng isang oras ang operasyon nito, batay na rin sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Mula sa dating last trip na alas-10:30 ng gabi ng biyaheng mula SM North EDSA patungong Glorietta 5, ay ginawa itong alas-11:30.
Habang ang mula Glorietta 5 patungong SM North EDSA na dating alas-11:00 ng gabi ay ginawa na rin alas-12:00 ng hatinggabi.
Dulot na rin ito ng pagdami na bilang ng mga tumatangkilik sa 2-decker bus sa EDSA, partikular na ang mga private car owners.
Sa ngayon ay tatlong ruta lamang ang naturang non-stop bus service kabilang dito ang ruta mula Trinoma patungong Park Square, Ayala;
SM North EDSA patungong Park Square Ayala at SM Megamall patungong Glorietta 5 at Park Square Terminal sa Makati.
By Mariboy Ysibido