Humina ang operasyon ng mga pabrika sa China dulot ng panibagong coronavirus wave sa northern China.
Ito’y ayon sa Purchasing Managers’ Index o PMI na siyang ginagamit na panukat sa manufacturing activity kung saan sumadsad ito sa 51.3 sa unang bahagi ng taon na mas mababa kumpara sa 51.9 na naitala noong December 2020.
Ayon kay National Bureau of Statistics (NBS) senior statistician Zhao Qinghe, patunay ito na labis na naaapektuhan ng new wave ng COVID-19 infections ang produksiyon at operasyon ng mga kompanya.
Sinabi pa ni Zhao na kahit apektado ng pandemya ang mga pabrika ay dahan-dahan na namang nakakabangon ang kanilang ekonomiya.