Nagpapatuloy ang operasyon ng pamahalaan laban sa mga fixer na nag-aalok ng serbisyo para sa Land Transportation Office o LTO transaction.
Nanawagan sa publiko si LTO Officer In Charge Atty. Romeo Vera Cruz na huwag basta-basta maniniwala sa mga nag-aalok ng mas mabilis na serbisyo kumpara sa mismong tanggapan ng LTO.
Sinabi pa ng opisyal na hindi dapat tinatangkalik ang kahit anong prosesong inaalok ng mga fixer dahil may kaakibat ito na criminal liability.
Dagdag pa ni Vera Cruz na inatasan na ng kanilang ahensya ang mga regional director at district head na paalisin ang mga indibidwal na nasa paligid ng kanilang tanggapan.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sa Philippine National Police (PNP) ang LTO para sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga fixer.