Pansamantala munang lilimitahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon sa Pasig River Ferry Service (PRFS) sa Hunyo a-30.
Ito ay bilang pagbigay daan sa inagurasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa MMDA, magiging limitado ang operasyon mula Pinagbuhatan Station hanggang Sta. Ana station.
Samantala, magpapatupad naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng “No Sail Zone” sa ilang bahagi ng Ilog Pasig sa araw ng inagurasyon.
Sakop ng “No Sail Zone” ang Pier 13 Muelle de San Francisco, Port Area Manila, Mabini Bridge, Ayala Bridge, at Malacañang.