Suspendido pa rin ang biyahe Pasig River Ferry System ngayong araw.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ito ay dahil pa rin sa nararanasang masamang panahon sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Ipinabatid ng MMDA na tigil muna ang buong operasyon ng ferry dahil sa hindi ligtas ang paglalayag para sa mga pasahero at crew bunsod ng mga pabugso-bugsong pag-ulan at malakas na hangin.
Muli na lamang mag-aabiso ang MMDA kung kailan ibabalik ang operasyon ng biyahe ng Pasig River Ferry.
By Ralph Obina