Sinuspinde ng Philippine consulate general sa Jeddah, Saudi Arabia ang lahat ng operasyon nito simula ngayong araw na ito hanggang sa July 2.
Ito ay matapos mag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga tauhan ng konsulado ng bansa sa Jeddah gayundin ang dalawang OFW’s na kinalinga nito at nakabalik na sa Pilipinas.
Ayon sa direktiba ng konsulada pinag-self-quarantine na ang lahat ng mga tauhan nila at kaagad magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas ng nasabing virus.
Apektado ng suspensyon ang passporting, legalization ng documents, civil registry, polo. DSWD-SWAT, SSS, Pag-Ibig at PTIC services.
Tiniyak pa rin ng consulate general ang pagtugon sa emergency request para sa assistance mula sa Filipino community kahit suspendido ang kanilang operasyon.
Pinamo-monitor din ang kondisyon ng mga bumisita sa konsulada mula June 14 hanggang June 18.