Walang dumanak na dugo sa operasyon ng pulisya kontra iligal na droga sa buong bansa sa nakalipas na magdamag.
Batay sa tala ng PNP o Philippine National Police, mula 6:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang 6:00 ng umaga, nanatili sa 27 ang bilang ng mga nasawing drug suspek matapos umanong manlaban.
Nanatili rin sa 2 ang bilang ng mga sugatang pulis dahil sa operasyon.
Gayunman nadagdagan ang bilang ng mga naarestong drug suspek na umakyat na sa 1,341 mula sa 831 sa ikinasang anti-drug police operations.
Habang sa ilalim naman ng oplan tokhang revisited higit 38,000 bahay na ang kinatok kung saan napasuko ang higit 3,500 drug user at pusher.
By Ralph Obina |With Report from Jonathan Andal