Ipatitigil ng limang taon ang operasyon ng philippine national railways o pnr.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, ito ay para bigyang-daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railways (NSCR) project.
Kinakailangan aniya na ihinto ang operasyon ng tren, dahil gagamitin ang ilang istasyon nito bilang ruta ng bagong proyekto.
Sa darating na Mayo ngayong 2023, ang istasyon ng malabon hanggang calamba ang unang isasara habang pagsapit ng Oktubre, sususpindihin na ang rutang Alabang hanggang Tutuban.
Dahil sa nakatakdang proyekto, hindi bababa sa 30,000 pasahero ang inaasahang maapektuhan ng suspensiyon.
Sinabi naman ng DOTR official na naghahanap na sila ng alternatibong solusyon para sa mga regular na pasahero ng PNR.