Nakatakdang ihinto ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon nito sa darating na disyembre ngayong taon.
Ito’y upang bigyang daan ang gagawing North-South Railway Projects (NSRP).
Simula July 2, hanggang Biñan, laguna na lang ang biyahe ng tren galing alabang habang tigil operasyon na ang rutang Biñan hanggang Calamba.
Inaasahan namang ititigil ang lahat ng byahe sa mga rutang ito simula Hulyo 15.
Ayon kay PNR Chairman Michael Macapagal, nakatakdang ihinto ang lahat ng byahe sa Metro Manila sa Disyembre pagkatapos ng holiday season.
Magtatagal ng lima hanggang anim na taon bago matapos ang NSRP.
Dahil dito, huminge ng paumanhin ang PNR sa mga apektadong pasahero subalit bahagi lamang ito ng modernisasyon ng train system ng bansa.