Pinababantayan ng ilang senador ang operasyon ng Philippine National Railways o PNR.
Ito’y kasunod ng pagkakadiskaril ng isang tren ng PNR nitong Sabado kung saan pinababa ang mga pasahero at pinaglakad sa riles.
Ayon kay Senadora Grace Poe, dapat ituring na panggising ng pamunuan ng PNR ang naturang insidente at tiyakin ang mahigpit na maintenance at inspeksyon ng mga tren ng naturang mass transit.
Giit pa ni Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Service na hindi nila maaaring ikatwiran ang kakulangan sa pondo dahil binigyan ang PNR ng dagdag na budget para ngayong taon.
Sinabi naman ni Senador JV Ejercito na dapat siguraduhin ng PNR na hindi mauulit ang pagkakadiskaril ng tren.
Dagdag pa ni Ejercito mahalang tiyakin parati ang kaligtasan ng mga mananakay nito.
—-