Sususpindihin ng pamunuan ng Philippine Stock Exchange Inc., (PSE) ang trading at settlement activiites nito ngayong araw kung mananatiling nasa ilalim ng signal #3 ang Metro Manila dahil sa bagyong Ulysses.
Sa isang memorandum na inilabas ng PSE, sinabi nito na wala nang clearing at settlement activities sa Securities Clearing Corporation (SEC) of the Philippines alinsunod na rin sa inilabas na memorandum ng tanggapan ng punong ehekutibo.
Pero paliwanag ng PSEI, oras na ibaba ng weather bureau sa signal #2 o 1 ang storm signal sa Metro Manila nang hindi lalagpas sa ala-sais ng umaga, ay magkakaroon ng trading activities dito.
Mababatid sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, nakasailalim ang 18 mga lugar sa signal #3, kabilang ang Metro Manila.