Sinuspindi muna ng Travellers International Hotel Group Incorporated ang hotel at gaming operations ng Resorts World Manila.
Ito ay para bigyang daan ang imbestigasyon sa nangyaring pag-atake sa Resorts World noong Biyernes.
Sinabi ng Travellers International Hotel Group Incorporated na hihintayin muna nilang matapos ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente bago desisyunan ang kapalaran ng Resorts World Manila.
Samantala, tututukan ng NBI o National Bureau of Investigation ang imbestigasyon kung nakakasunod sa Fire Code of the Philippines ang Resorts World Manila.
Pahayag ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos madiskubre na ilan sa tatlumpu’t pitong (37) nasawi sa trahedya sa RWM ay natagpuan, isang metro lamang ang layo mula sa fire exit.
Ayon kay Aguirre, posibleng nagkulang sa mga directional signs ang casino kayat hindi nakita ng mga biktima ang daan patungo sa fire exit.
Karamihan sa mga nasawi sa casino ay nakita sa VIP room, high rollers slot machine section at comfort room sa second floor ng RWM.
By Judith Larino / Len Aguirre
Operasyon ng Resorts World pansamantalang sinuspindi was last modified: June 6th, 2017 by DWIZ 882