Balik na sa normal ang operasyon ng Security Bank Corporation matapos ang naranasang delay sa posting ng kanilang mga banking transactions noong Miyerkules.
Sa kanilang ipinalabas na abiso, ipinabatid ng Security Bank na kanila nang natapos ang ginawang maintenance activity at natugunan na ang naranasang problema.
Una nang sinabi ng Security Bank na ang naranasang aberya ay hindi makakaapekto sa financial integrity ng kanilang mga kliyente.
Ang Security Bank ay ikatlong bangko na naiulat na nakaranas ng problema sa sistema matapos ang internal data processing error ng BPI at skimming attack sa BDO.
By Krista De Dios