Nananatiling suspendido ang Panian Operations ng Semirara Mining and Power Corporation.
Nilinaw ito ng Department of Energy (DOE) makaraang tanggalin na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang suspension laban sa ECC o Environmental Compliance Certificate ng Semirara Mining and Power Corporation.
Ayon sa DOE, hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon kaya’t hindi pa puedeng magpatuloy ang pagmimina sa barangay Panian.
Una nang sinabi ng DENR na tinanggal nila ang ipinataw na suspension sa ECC ng Semirara makaraang pumayag itong sundin ang mga karagdagang kondisyon na inilagay ng ahensya sa ECC.
Noong July 17, sinuspindi ng DOE ang operasyon ng Semirara Coal Mines sa Antique makaraang magkaroon ng pagguho sa Panian Pit kung saan 9 na minero ang nasawi.
By Len Aguirre