Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na balik-100% operation na sila matapos buksan ang 281 branches ng ahensiya sa buong bansa matapos itong isailalim sa alert level 1.
Nabatid na lumabas ang mga ulat hinggil mga miyembro ng SSS na dumagsa sa labas ng SSS Diliman branch sa East Avenue, Quezon City, bagama’t sinabi ng ahensiya na agad naman nilang inasikasp ang mga ito.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, patuloy nilang tinitingnan ang sitwasyon para malaman kung kinakailangang palawigin ang service hours at magsagawa ng special operation kahit Sabado.
Samantala, hinikayat ng SSS ang kanilang mga miyembro na may nais gawing transaksiyon sa ahensiya na gamitin na lamang ang online facility ng ahensiya katulad ng my.sss at SSS mobile app.—sa panulat ni Mara Valle