Balik na sa normal na operasyon ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Lunes, ika-15 ng Hunyo.
Ito’y matapos isailalim sa temporary closure at disinfection ang main building ng kawanihan matapos magpositibo ang isang empleyado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil din dito ay nagsagawa ng mandatory rapid test para sa mahigit 3,000 opisyal at kawani nito sa buong bansa.
Batay sa abiso na inilabas ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga empleyado at opisyal na hindi dumadaan sa antibody rapid test ay mananatili sa kanilang work-from-home scheme.