Dumulog ang grupong National Federation of Tourist Transport Service Cooperatives sa Kamara para hilingin na imbestigahan ang pagpayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makapag-operate ang mga travel at rent-a-car companies nang walang kaukulang regulasyon.
Ayon kay Atty. Cesar Evangelista, legal counsel ng grupo, hindi patas para sa hanay ng mga regulated transport service cooperatives ang operasyon ng mga kumpanyang sakop ng ipinalabas na circular ng LTFRB dahil hindi aniya kumpleto ang kanilang license to operate.
Sinabi rin ni Evangelista na bukod sa pagiging tourist transport, nagsisilbi rin umano itong shuttle services na mga private companies gaya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) nang hindi gumagamit ng certificate of public convenience.
Bukas naman umano ang house committee on cooperatives development para maimbestigahan ang inihaing reklamo ng grupo.