Opisyal ng nagtapos kahapon ang operasyon ng Uber Technologies Incorporated sa Pilipinas matapos ang acquisition ng kumpanya sa karibal nitong Grab Holdings Incorporated.
Sa e-mail na ipinadala ng Uber sa mga customer nito, nag-abiso ang naturang Transport Network Company na i-download na lamang ang application ng Grab at magparehistro upang makapagpa-book ng biyahe.
Una ng ipinag-utos ng Philippine Competition Commission sa Uber na palawigin ang kanilang operasyon habang pinag-aaralan ang acquisition deal.
Gayunman, ipinag-utos naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Uber na itigil na ang kanilang operasyon sa bansa simula April 16 lalo’t wala ng financial capacity ang kumpanya dahil sa acquisition.