Bahagyang naparalisa ang tinaguriang world’s busiest airport matapos mawalan ng suplay ng kuryente.
Dahil dito, nasa libu-libong flights ang naapektuhan sa partial shutdown ng Hartsfield-Jackson International Airport.
Marami sa mga paparating na flights ang kinailangang i-divert sa ibang lugar habang ang mga pasahero naman at nagtiis sa dilim sa paliparan.
Ayon sa Georgia Power, ang naturang power shortage ay posibleng dulot ng sunog na sumiklab sa underground electrical facility.
Gayunman, hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog.
—-