Balik na sa normal ang operasyon ng Zamboanga International Airport matapos na magkaaberya ang isang eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng paliparan kahapon.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, matapos ang mahigit dalawang oras ay naialis din ang eroplano at na-clear din agad ang runway.
Nabatid na bago mag-alas sais kahapon ng umaga ay biglang pumara sa runway ang papalapag pa lamang na Flight 5J 849 mula sa Metro Manila.
Sinabi ng Cebu Pacific na “steering foul” ang dahilan ng insidente.
Dahil sa nangyari, na-delay din ang ilang flight ng Cebu Pacific kabilang ang flight 5J 851 mula Metro Manila papunta sa Zamboanga City.