Tiwala ang pamunuan ng Clark International Airport na maibabalik na sa normal ang operasyon ng Clark International Airport bukas, April 24.
Ayon kay Clark International Airport Corporation President Jaime Melo, pipilitin nilang magkaroon ng partial opening sa paliparan bagamat hindi pa nila matiyak kung kailan.
Nananatili pa rin aniyang kanselado ang lahat ng domestic at international flights sa Clark Airport ngayong araw na ito at apektado rito ang 150,000 pasahero.
Sinabi ni Melo na matinding pinsala ang idinulot ng lindol sa departure area ng airport.