Naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa vocal cord ng Grammy award winner na si Sam Smith sa Boston Hospital.
Sa ipinalabas na statement ng Massachusetts General Hospital, nagpapagaling na ang singer at inaasahang magiging mabilis ang kanyang recovery.
Ang operasyon na isinagawa sa singer ay dahil ang paulit-ulit na pagdurugo ng kanyang vocal cord na maaaring magresulta sa pagkasira ng nito at tuluyang hindi na makakanta.
Matatandang nakansela ang nakatakdang konsyerto ni Sam Smith sa Australia at Manila nitong unang linggo ng Mayo.
Si Sam Smith ang umawit ng kantang Stay With Me kung saan napanalunan nito ang Song at Record of the Year at ang Best New Artist sa Grammy.
Nitong nakaraang linggo ay nanalo rin bilang Top Male Artist si Sam sa 2015 Billboard Music Awards kung saan nagbigay siya ng acceptance speech sa pamamagitan ng mga placards.
Samantala, sa July 18 ay nakatakda ang susunod na live show ng singer.
By Krista de Dios