Balik normal na ang operasyon ng Legazpi City Airport matapos itong pansamantalang ipasara nang magsimulang magbuga ng abo ang bulkang Mayon.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, batay sa isinagawa nilang visual meteorological condition survey sa runway ng paliparan hindi naman naapektuhan ng pagbuga ng abo at lava ng bulkan ang runway at iba pang pasilidad ng paliparan.
Dahil dito, maaari nang magsimula muli ang normal na biyahe ng mga eroplano na lalapag sa naturang paliparan.
Magugunitang ilang araw ring nahinto ang operasyon ng Legazpi City domestic airport dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
—-