Balik na sa normal ngayong araw na ito ang operasyon sa Makati City Hall matapos ang 3 araw na standoff dahil sa ikalawang suspensyong ipinataw ng Ombudsman kay Mayor Junjun Binay.
Nag-ikot na kaninang umaga si Makati City acting Mayor Romulo Kid Peña na pansamantalang nag-oopisina sa pinakabukana ng lobby ng bagong City Hall.
Alas-7:00 ng umaga nang buksan ang main entrance ng munisipyo para sa mga may transaksyon doon.
Gayunman, mahigpit pa ring nagbabantay ang mga pulis sa paligid ng City Hall.
By Judith Larino